Ang hirap,
ang sakit, nakakapang hina. Yung gabi-gabi nalang iniisip mo kung may
nagmamahal ba talaga sa’yo? Sabi nila may darating daw na taong totoong
magmamahal sa’yo, tao na hindi ka sasaktan at paluluhain. Pero nasaan na ba?
Kailan pa yun? Sabi ng isip ko hindi daw ako pwedeng mapagod maghintay, na
ibaling ko nalang muna ang atensiyon ko sa ibang bagay, na ituon ko muna sa
pamilya at mga kaibigan ko ang pagmamahal ko.
Iba naman ang ibinubulong ng puso ko, sabi niya sinubukan naman niya.
Ilang beses niyang kinalimutan yung iba’t ibang sakit na nararamdaman niya para
lang makapagmahal muli pero wala pa din, walang nangyari. Pare-pareho lang din
ang ending. Handa naman siyang gawin ulit ang lahat, pero hindi niya alam kung
hanggang kailan niya kayang magtiis.
Ngayon, hindi ko alam kung ano ang papakinggan ko. Isip ba o puso ko?
Minsan nakakapagod na din sumubok magmahal, masaktan, magmahal ulit, masasaktan
ulit. Pero ginagawa pa din natin dahil minsan isa ito sa mga nakakapag bigay sa
atin ng sobra sobrang kasiyahan. Isa sa mga nagpapangiti sa atin pag gising
natin sa umaga. Kaya handa tayong gawin lahat para lang makilala yung isang tao
na para pala talaga sa atin.
Sana pagdating niya, hindi pa tuluyang sumuko magmahal ang puso ko. Yung
tipong bubukas ulit siya ng lubusan para papasukin ang taong magmamahal sa akin
ng buo. Sana hindi pa siya pagod kahit ano pa man ang pinagdaanan niya. Sana
kaya ko pa ulit magmahal.