Naiinis ako sa sarili ko kasi
hindi ko maramdaman sakaniya yung kilig na naramdaman ko sayo noon. Oo
napapasaya nga niya ako pero bakit ganon? Hindi ko maitanggi na mas naging
masaya pa rin ako sayo.
Minsan nga iniisip ko kung
nakapag move on na ba talaga ako? Bakit lagi kitang hinahanap sakaniya? Bakit
hindi ko mapigilang ikumpara ka kahit alam kong hindi dapat? Nag-iisa ka lang.
Kahit anong gawin ko, magkaiba kayo. Dapat hindi ko na balik balikan pa kung
anong meron tayo noon kasi wala ng tayo ngayon. May iba ng nagmamay-ari sa’yo.
Panahon na siguro para buksan ko ang puso ko sa iba at tigilan na ang kakasunod
sa anino mo.
Ayokong sisihin ka kung bakit
ako nagkakaganito. Patuloy kong pinaplastik ang sarili ko sa harap ng mga tao.
Natatakot na pumasok sa isang relasyon kasi alam kong hindi ako buo at baka
makasakit lang ako. Ikaw ang may kasalanan kung bakit ako nagkaganito. Pero ang
laking tanga ko din naman kasi dahil hinayaan lang kita. Kaya eto ako ngayon,
nahihirapan pa rin na kalimutan ka.
Alam kong matatapos din itong
paghihirap ko. Nagpapasalamat pa din ako kasi binigyan ako ng taong tutulong sa
akin na magpahilom ng sugat na nararamdaman ko. Nagpapasalamat ako sakaniya
kasi kahit ang unfair ko, hindi siya nawala sa tabi ko. Magiging okay din ako.
And I’ll make it sure na sa susunod na makita mo ako, masaya na talaga ako
sakaniya at hindi ko na niloloko ang sarili ko ng dahil sa’yo.
0 comments:
Post a Comment