Sobrang laki
ng parte nito sa buhay ng isang tao. Kasi, bawat tao may ala-ala na
pinapahalagahan at yung iba naman pilit ng ibinabaon sa limot. Aminin natin na
lahat tayo, bawat makakabasa nito merong ala-ala na pinaka-iingatan.
Huwag mong ipilit na kalimutan
ang mga ala-ala sayo ng isang tao, kasi yan nalang ang meron ka. Yan nalang
yung palatandaan na minsan kang naging masaya kasama siya. Kaya lang naman
natin ito pinapahalagahan kasi maaaring malayo ng maulit ulit yung pangyayari
at sitwasyon na ‘yon. Maaari nating magawa ulit yun, maaaring makabalik tayo sa
lugar kung saan nabuo ang mga ala-ala na ‘yon, pero yung pakiramdam? Yung unang
pakiramdam niyo nung araw na nangyari yun? Hindi na natin masasabi na
mararamdaman pa natin ulit yun.
Kaya nga pinapahalagahan natin. Dapat pahalagahan natin. Pero minsan,
darating tayo sa punto na mas gusto na nating huwag nalang alalahanin yung mga
bagay na yun para hindi na tayo masaktan. Madalas, gusto na nating kalimutan at
isantabi nalang diba? Huwag ganun. Oo masakit. Pero ang kalimutan nalang lahat?
Huwag. Yan kasi ang panghahawakan mo kahit sinaktan ka nung taong yun. Sa kabila
ng sakit pag naaalala mo yung mga bagay na ginawa niya sa’yo, yung sakit
napapalitan ng kaunting saya.
“Madalas kasi, hindi natin
mapahalagahan ang mga sandali na minsan lang mangyari. Hanggang sa maging
ala-ala nalang na sana mangyari ulit.”
Ganyan tayo diba? Payo ko lang, sa bawat segundo na meron kayo
pahalagahan niyo. Dahil maaaring maulit ulit yun, pero yung panahon ng nangyari yun at kasama mo siya? Malabo
ng maibalik.
0 comments:
Post a Comment