Cheering Line Smiley

Monday, February 16, 2015

Mahal Mo Pero May Karelasyon Ng Iba

                Hindi krimen ang magmahal habang taken yung minamahal mo. Hindi mo pwedeng sisihin ang puso mo kung bakit sa taong may karelasyon yan tumibok. Wala kang dapat sisihin dahil kahit kailanman, hindi mapipigil ang sarili o makakapili kung sino ba dapat ang ibigin.

                Nagmahal ka lang. Tadhana ang nakikipaglaro sa’yo, hindi si kupido. Sinusukat kasi ng tadhana kung hanggang saan ang kakayahan mong maghintay at magpigil.

                Malaking sakripisyo na ang mahalin mo siya habang nasa relasyon pa siya. Bakit? Kasi mas pinili mong respetuhin ang kalagayan niya kaysa sa nararamdaman mo. Kumbaga, mas pinili mong masaktan ka ng palihim kaysa masaya ka nga kasi kayo, pero siya halos maiyak kasi hindi siya masaya sa piling mo.
                                                                            

0 comments:

Post a Comment