Hindi porke
maganda ang lovelife niya, maiinggit ka na. Hindi porke single ka, malulungkot
ka na. Dumilat ka. Tingnan mo kung gaano kasarap mabuhay ng hindi dumedepende
sa iba. Hindi mo kailangan ng partner para sumaya. Kaya mo naman maging masaya
ng ikaw lang. Masyado mo lang talagang binubulag ang sarili mo sa presensiya ng
iba. Pakiramdam mo hindi mo kaya kapag wala sila. Kaya mo naman. Hindi mo lang
talaga sinusubukan.
Yung inggit na yan? Hindi ka
naman dapat naiinggit sa lovelife ng iba. Hindi ka dapat nagiging bitter.
Tandaan mo rin sana na ang relasyon parang tao lang yan, huwag mong husgahan sa
panlabas na kaanyuan. May pa inggit inggit ka pa, hindi mo naman alam na may
pinagdadaanan din ang mga yan.
Bakit ka malulungkot? Lahat ng tao may nilaan na para sakanila. Lahat ng
tao may sariling istorya. Hindi man kasing romantic ng istorya sa Wattpad.
Hindi man kasing intense ng kwento sa Twilight. At hindi man kasing tragic ng
istorya ni Snow White. Maniwala ka. May taong nakalaan para sa’yo na magiging
prinsipe mo.
Dapat pa bang malungkot kung single ka? Dapat pa bang mainggit kasi wala
kang jowa gaya ng iba? Hindi na. Huwag tanga. Maswerte ka pa nga na hindi ka
pinagbabawalan ng mga possessive kuno na jowa. Hindi ka naman nabubuhay para sa
ibang tao. Nabubuhay ka para sa sarili mo. Magkakaroon ka rin ng sarili mong
kwento. Hintayin mo lang magtama ang puso niyo gamit ang pana ni Kupido.
0 comments:
Post a Comment