Lahat ng tao nakatadhana para
makaranas ng isang tunay na pag-ibig. Yung true love kung tawagin nila. Akala
natin kapag nagmahal na tayo, true love na agad ‘yon. Pero hindi. Pwedeng
pag-ibig yan, pero hindi yan tunay na pag-ibig. Iba naman kasi ang true love sa
ordinary love lang. Pwede naman kasi tayong magmahal ng kahit na sino. Pero
hindi tayo basta basta pwedeng magmahal ng totoo. Kasi ang tunay na pagmamahal,
may kasamang pagsasakripisyo, pakikipaglaban, pagiging matatag, pagtitiwala,
kaalaman, katapatan at kung ano pa man.
Ang tunay na pag-ibig naman kasi, ito yung pinaka
kakaibang pakiramdam na kahit anong salita, hindi mo madescribe. Basta ang alam
mo lang, mahal mo na siya at handa kang gawin ang lahat para sa pagmamahal na
‘yon. No ifs and no buts.
Sana lang kapag dumating na
sa’yo ang tunay na pag-ibig mo, gawin mo ang lahat. Kasi hindi yan basta basta
nalang dumarating. Bihira lang yan. Mahirap mahanap at matagal kung mawala.
Minsan pa nga kahit wala na siya, nagmamahal ka pa rin.
0 comments:
Post a Comment