Cheering Line Smiley

Sunday, February 8, 2015

EX

          Malaki-laki din ang naging papel ng dalawang letra na yan sa buhay ng isang tao. Meron sa atin, halos kalahati na ng buhay nila ay naging malaking bahagi ito.

“Napaka swerte ng isang relasyon na hanggang sa huli sila pa din ang magkasama at nagkatuluyan.”

          Lahat tayo ay nangangarap na sana ang taong mahal na mahal natin ay makasama natin hanggang sa huli. Pero may iilang dahilan na nakakapagpa-buwag sa isang matibay na relasyon.

          Nakakalungkot lang isipin na yung relasyon na hindi mo akalain na matatapos, ayun wala na. Natuldukan na lang bigla. Pero sa kabila ng pagkakatuldok na yun, hindi ibig sabihin tapos na. Kasi doon palang magsisimula. Kailangan mo lang may mapatunayan na kaya mong maging matatag, dahil yun lang ang pagpipilian.

“Ang maging matatag at magkaroon ng lakas ng loob na tanggaping wala na, tapos na.”

        At kapag natanggap mo na at nalampasan ang stage na yan, darating ka na sa point na hahanapin mo ang isang taong magmamahal sayo. Kasi bawat tao, hinahangad na mahalin sila ng buong puso. Bawat tao, may karapatang sumaya. At bawat tao, may mga nakatadhana. Pinili mo mang maghintay o hindi, matatagpuan mo rin siya sa huli.

“May konting nararamdaman ka pa na sana siya pa din ang para sayo.”

        Move on na. Kasabay nun ay let go. Kasi malabo ng mangyari ang inaasahan mo. Bakit? Simple lang. Kasi kung talagang mahal ka niya, kahit ano pang problema ang dumating sabay niyong haharapin. Hindi ka sana niya iniwan ng basta nalang. At sa unang parte ng istorya niyo, kung matindi ang pagmamahal niyo sa isa’t isa, ang salitang HIWALAYAN ay kahit kailan hindi papasok sa isip niyong dalawa.

Tandaan:
Ang EX mo ay hindi mo kaaway at hindi mo din kaibigan. Siya yung taong kasama mong gumawa ng alaala sa nakaraan pero hindi na parte ng buhay mo sa kasalukuyan. Pwedeng siya yung dahilan kung bakit ka nasaktan, pero pwede ding rason kung bakit marami kang natutunan.
                                                                               

1 comments:

Unknown said...

<3

Post a Comment