Malaki-laki
din ang naging papel ng dalawang letra na yan sa buhay ng isang tao. Meron sa
atin, halos kalahati na ng buhay nila ay naging malaking bahagi ito.
“Napaka swerte ng isang relasyon na hanggang
sa huli sila pa din ang magkasama at nagkatuluyan.”
Lahat tayo ay nangangarap na sana ang taong mahal na mahal natin ay
makasama natin hanggang sa huli. Pero may iilang dahilan na nakakapagpa-buwag
sa isang matibay na relasyon.
Nakakalungkot lang isipin na yung relasyon na hindi mo akalain na
matatapos, ayun wala na. Natuldukan na lang bigla. Pero sa kabila ng
pagkakatuldok na yun, hindi ibig sabihin tapos na. Kasi doon palang
magsisimula. Kailangan mo lang may mapatunayan na kaya mong maging matatag,
dahil yun lang ang pagpipilian.
“Ang maging matatag at magkaroon ng lakas ng
loob na tanggaping wala na, tapos na.”
At kapag natanggap mo na at nalampasan ang stage na yan, darating ka na
sa point na hahanapin mo ang isang taong magmamahal sayo. Kasi bawat tao,
hinahangad na mahalin sila ng buong puso. Bawat tao, may karapatang sumaya. At
bawat tao, may mga nakatadhana. Pinili mo mang maghintay o hindi, matatagpuan
mo rin siya sa huli.
“May konting nararamdaman ka pa na sana siya
pa din ang para sayo.”
Move on na. Kasabay nun ay let go. Kasi malabo ng mangyari ang inaasahan
mo. Bakit? Simple lang. Kasi kung talagang mahal ka niya, kahit ano pang
problema ang dumating sabay niyong haharapin. Hindi ka sana niya iniwan ng
basta nalang. At sa unang parte ng istorya niyo, kung matindi ang pagmamahal
niyo sa isa’t isa, ang salitang HIWALAYAN ay kahit kailan hindi papasok sa isip
niyong dalawa.
Tandaan:
Ang EX mo ay
hindi mo kaaway at hindi mo din kaibigan. Siya yung taong kasama mong gumawa ng
alaala sa nakaraan pero hindi na parte ng buhay mo sa kasalukuyan. Pwedeng siya
yung dahilan kung bakit ka nasaktan, pero pwede ding rason kung bakit marami
kang natutunan.
1 comments:
<3
Post a Comment