Ang mga lalaki, akala nila ang sasama naming mga babae kapag nabubusted sila. Pero hindi niyo alam kung gaano kahirap maging babae. Kasi kayo kapag may nagustuhan kayo, pwede niyong ligawan. Pwede kayong mabusted, oo masakit yun. Pwede kayong matorpe. Pero at the end of the day, may magagawa kayo para makamit yung taong inaasam niyo, kasi lalaki kayo.
Eh kaming mga babae? Wala kaming
magagawa kundi maghintay. Maghintay na mapansin ng taong gusto namin. Maghintay
na may manligaw. Maghintay sa mga bagay na walang kasiguraduhan. Kapag kami ang
gumawa ng first move, malandi agad ang tingin sa amin. Tapos minsan, dahil nga sa
wala kaming magawa, hinahayaan nalang namin na makita ang taong gusto namin na
may magustuhang iba. Nganga kami lagi. Para kaming nakaupo sa isang bus stop na
wala namang dumadaang bus pero araw-araw kaming pumupunta kasi umaasa kami na
may darating din. Ganun yung pakiramdam nun. Nakakatangina kaya!
Hindi ko sinasabing okay lang na
nabubusted ang mga lalaki. Pero sana marealize niyo na kung gaano kahirap
manligaw, mas mahirap maghintay. Tapos kung minsan, yung dumarating pa ay yung
hindi naman namin gusto. Hindi yun pagiging choosy. Akala niyo, kapag hindi
namin sinagot ang isang lalaki, choosy kami. Pero hindi. Tulad niyo, namimili
kayo ng liligawan. Pinipili niyo yung talagang gusto niyo. Kami din kasi ganun.
Hindi naman kasi pwede na kahit sino nalang. Ano yun? Desperada nalang?
“Mahahanap mo rin ang tunay na pag-ibig.”
- sadyang
ginawa yata yang kasabihan na yan para sa mga lalaki. Kasi kapag nabubusted,
nasasaktan, nagmomove on. Tapos, makakahanap ng magugustuhan, manliligaw ulit.
At magpapatuloy ang cycle hanggang sa tamang tao na yung mahanap niyo at
maligawan niyo.
“Darating din ang tunay na pag-ibig.”
- Eto naman
ang para sa mga babae. Yung walang humpay na paghihintay sa pag-ibig na
nararapat. Maghihintay hanggang sa tumama din ang panahon at pagkakataon. Wala
namang magagawa. Hindi naman pwedeng hanapin. Kaya hintayin nalang. Darating din
yan.
0 comments:
Post a Comment