Tweet
Minsan naisip ko kung bakit mayroong mga
babaeng "AYAW MAGPALIGAW". Siguro dahil na rin sa
kani-kanilang dahilan.. pero anu nga ba talaga ang mga maaaring maging dahilan
ng kanilang pag'ayaw??
Sabihin na nating mahirap magpaligaw sa isang lalaking
hindi mo naman talaga gusto.. un bang kahit anung pilit mong magpakabait
sakanya dahil ayaw mong masaktan ang feelings nya, eh nagagawa mo paring maging
masungit sakanya..well, maybe dahil narin siguro sa pagiging makulit at
pagiging "F.C" (Feeling Close) nya sayo..
Minsan nga kahit ayaw mong magsinungaling di mo mapigilan
na gumawa nalang ng excuse para lang hindi siya mangulit.. hanggang sa masabi
mo na ung, "Busy ako eh, di ako pwede ngayon marami pa akong gagawin eh,
maybe next time", "Ayaw ako payagan ng parents ko eh (kahit ang totoo
anytime pwede ka umalis ng house)".. maiisip mo nalang na ano pa ba ang
kailangang marinig ng ganitong klasing lalake dahil hindi mo tlaga sya gusto..
Ung iba naman ang dahilan, "Eh kasi pag pumayag ako na
manligaw sya, parang binibigyan ko na sya ng CHANCE na maging kami." Tama
nga naman yun.. pero sakin kasi kung lalaki lang ako, ok lang naman na sabihin
sakin nung babae na "Hindi kita type (pero syempre konti lang ang babae na
gagawa nun, ayaw kasi nilang makasakit) basta payagan nya lang akong manligaw
:) "
Minsan kasi ang lalaki at babae magkaiba ng pananaw sa word
na "CHANCE".. tingin ko kasi para sa mga lalaki ung
word na yun ay yung .."Bigyan man lang sila ng time or way para ma'express
nila ung feelings nila sa girl, chance na maparamdam man lang nila kung gaano ito
kahalaga" pero sa babae (sa tingin ko lang), ang word na chance para
sakanila ay ung "CHANCE na pinapaasa nila ung guy".. Mayroon kasi
talagang mga babae na ayaw talagang magpaasa ng taong hindi naman talaga nila
gusto o wala naman talagang pag'asa sakanila..
Meron din namang iba na kaya ayaw pa magpaligaw, ay dahil
hindi pa sila nakaka'get over sa past nila.. maybe mahal pa nila ito or meron
something na hindi nya makalimutan about dito..
Ung iba naman ang tingin sa "PANLILIGAW NG GUY"
ay palabas lang, pagkukunwari, pagpapanggap, best foot forward kumbaga.. alam
nyo kung bakit? kasi minsan pumapasok sa isip naming mga girls na "Sa
umpisa lang yan, sa umpisa lang sya sweet, sa umpisa lang sya matiyaga"..
hindi nyo kami masisisi guys, kasi merong ilan sa inyo na ganyan tlaga ang
ATTITUDE.. kapag napasagot na ung girl, hindi na masyado mag'eeffort. kaya
hindi din natin masisisi ang ibang mga babae kung TAKOT silang magpaligaw o
gustuhin ang isang lalaki.
0 comments:
Post a Comment