Tweet
Minsan sa sobrang pagmamahal pala natin, nakakagawa na tayo
ng mga bagay na alam nating mali, pero nagagawa parin natin because of the word LOVE ..
Maraming tao ang umiiyak at nasasaktan
kapag sila ay nagmahal.. minsan nga nakakalimutan na natin ang ating mga sarili
kapag umibig tayo.. Alam ko malaki ang epekto sa buhay natin kapag natuto
tayong umibig.. nandyan ung halos napapabayaan mo na ung sarili mo.. nagbabago
ugali mo.. nagiging mas mature kapag nasasaktan .. sa pisikal na anyo nagbabago
din.. its either napabayaan mo or mas inaasikaso mo para magustuhan ka ng iba ..
Sa
sobrang pagmamahal din gumagana ang ating IMAGINATION ..
yung tipong maiisip mo na pagkatapos ng klase/trabaho mo andun sya at
naghihintay.. hinihintay ang pag'uwi mo at sabay kayong maglalakad
papunta sa sakayan, tabi kayo sa jeep, tricycle o bus.. Kapag naramdaman mong
pagod ka o may masakit sayo hihilig ka sa balikat nya at makakatulog .. hayy!
kahit alam mong hanggang pangarap nalang ang mga bagay na yan, umaasa ka parin
na matupad.. :)
Minsan din kahit anong pagod mo
mawawala makita lang ang ngiti nya.. Napuyat ka man sa pagrereview energetic ka
pa din :) Lagi kang malakas at nakangiti.. Ang sarap talaga isipin kapag ganyan
kaso mamamalayan mo nalang na ala pala talaga sya sa tabi mo.. epekto lang ng
sobrang pagmamahal kaya ka nagkakaganun..
Dahil din
sa sobrang pagmamahal nagiging EMO ang iba .. nagagawa nilang
saktan ang sarili nila (e.g PAGLALASLAS).. kasi ang madalas nila dahilan
"Kapag ginawa ko toh mababawasan ang nararamdamang sakit ng puso ko"
.. syempre nga naman ung sakit na nung sugat ung mararamdaman nya.. O.A kung
iisipin natin pero kadalasan talaga ganito ang nagiging epekto ng sobrang
pagmamahal.. Dumadating din sa point na matatanong mo nalang sa sarili mo
kung anu pa ba ang kulang.. lahat ginawa mo na para sakanya.. para lang maging
masaya sya..at dahil din sa pagmamahal mo sakanya ung konting oras na lang ng
pahinga mo binibigay mo pa sakanya.. ginagawa mo un kasi masaya ka at alam mong
masaya din sya sa ginagawa mo.. kahit ang totoo nasasaktan ka na.. ang sakit
isipin na sa kabila ng lahat ng ginawa at binigay mo ala pa ring nangyari..nagmuka
ka pang tanga.. hindi pa pala sapat lahat ng yun..
Maraming
pwedeng mangyari dahil sa sobrang pagmamahal natin sa isang tao.. pero kapag
alam nating hindi na tama, sana naman matuto tayong umiwas nalang.. kapag alam
nating ala na talagang patutunguhan.. tama na.. wag na nating hayaan pang
masaktan tayo :)
0 comments:
Post a Comment