Cheering Line Smiley

Sunday, March 31, 2013

NARANASAN MO NA BA? :(

Naranasan mo na bang iwan ka ng taong mahal mo na wala man lang paalam? Yung isang araw pag-gising mo sa umaga wala ka ng mababasa sa cp mo na text galing sa kanya like ..

*good morning babe..
*ingat ka palagi babe..
*wag kang magpapalipas ng gutom ha? baka mangayayat ang babe ko..
*miss kita always babe..
*wag ka ng magpuyat babe. Pag-gising mo bukas siguradong mahal pa rin kita..
at higit sa lahat yung 3 words na palaging nakakapagpangiti sa’yo..
*I LOVE YOU..

Bawat araw na lumilipas naghihintay ka na baka sakaling magtext siya sayo. Sasabihin mo sa sarili mo..

*baka wala lang siyang load
*baka busy lang siya sa work/school niya
*baka may nangyari lang sa bahay nila
*baka wala siyang pera pangload
*baka nasira yung cp niya

Puro BAKA nalang.. hanggang sa wala ka ng mahintay. Ang sakit sa pakiramdam diba? Lalo na pag sobrang mahal na mahal mo yung taong yun. Ang hirap tanggapin na nawala nalang na parang bula yung mga nakasanayan mo ng ginagawa niya. Ang dami ring katanungan..

*Bakit hindi na siya nagpaparamdam?
*May nagawa ba akong mali?
*Nagsawa na ba siya?
*Hindi na ba niya ako mahal?
*Bakit niya ako iniwan?
*Bakit hindi man lang siya nagpaalam? Matatanggap ko naman kung hindi na niya ako mahal.. Importante magsabi siya.

Ang sakit lang sa dibdib. Wala na yung taong nagpapangiti sayo araw-araw. Wala na yung masasayang alaala na nabuo. Ang magagawa mo nalang ay umiyak. Umiyak dahil nagmahal ka ng taong DUWAG! Takot magpaalam kapag nagsawa na..


0 comments:

Post a Comment