Cheering Line Smiley

Wednesday, April 3, 2013

Crush > Love

Mas gusto ko pang umunlad ang crush life kesa sa lovelife. Dahil ang crush..
·         Makita mo lang, kumpleto na ang araw mo.
·         Mahuli mo lang siyang tinititigan ka niya kahit for a second, kilig pepe ka na.
·         Kahit makita mo siyang may kasamang iba, tanggap mo na.
·         Ganadong ganado ka pumasok ng school para lang makita siya.
·         TANGGAP MO NA HINDI MAGIGING KAYO, TANGGAP MO NA HANGGANG CRUSH LANG PERO KAHIT GANUN, MASAYA KA PA RIN. 

Eh ang love?
·         Medyo nauumay na kayo sa isa’t isa.
·         Wala ng kilig factor kapag nakikita mo siya.
·         Makita mong may kasama siyang iba, gera na.
·         Puro away at problema. Nakaka pimple lang ng mukha.
·         At kapag natapos ang relasyon mo, feeling mo sinagasaan ng buldozer ang puso mo sa sobrang sakit. Hagulgol here, hagulgol there, hagulgol everywhere!
So therefore, I conclude na mas hindi ka masasaktan kapag crush life lang ang pinili mo. Partida, pwede mo pang damihan ang crush mo, the more, the merrier ang peg!


0 comments:

Post a Comment