Alam kong mahirap siyang intindihin
minsan pero worth it naman din sa huli eh.
Tandaan mo, ikaw ang kaligayahan
at mundo niya.
Dapat siya ang una mong
makakausap sa umaga at dapat din ikaw ang huling mag-sasabi sa kanya ng Good
Night. Hindi katulad ng mga tropa mo, makakasama mo siya sa
kaligayahan at higit sa lahat.. sa kalungkutan.
Ipagluluto ka niya at handa din
siyang alagaan ka ng tama. Kaya dapat itrato mo siya na parang Prinsesa
mo. Your one and only Princess. Siya lang dapat. Wala ng iba.
Umayos ka nga. Kurutin kita jan eh. :D
Kaming mga babae, minsan
sensitibo kaya think before you act. Minsan, ang isang
simpleng pagkakamali lumalaki dahil sa amin. Kaya iwasan mong magkamali. Okay
lang naman mag-kamali eh. Nobody’s perfect nga diba. Pero sana
naman, huwag palagi. Parang nananadya na kayo eh. Haha :)
Kapag nag-aaway kayo, lagi niyong
unahin ang relasyon niyo kesa sa putang inang Pride na
yan. Ano mas mahalaga? Siya o ang pride mo? Ang pride, hindi yan mawawala.
Pero siya, PWEDE.
Don’t forget to make her feel
special every day. Itrato mo siya na parang amo mo.
Samahan mo siya kung saan niya gusto. Tandaan mo, kung gaano mo ipinapakita ang
pagmamahal mo sa kanya, ibabalik niya rin sayo. Mas marami pang pagmamahal ang
matatanggap mo.
Huwag mo din siya ikahiya. Dapat
handa mo siyang ipakilala sa mga barkada mo at lalong lalo na sa pamilya mo.
Ipadama mo sa kanya na proud ka na maging boyfriend niya. Proud kayo sa
relasyon niyo.
But if you haven’t learned a
thing from reading this, remember this. Love her unconditionally, loyally, and
keep her close. Love her with everything you've got: emotionally,
mentally, and physically. Because I swear, if you won’t treat your girl right,
someone else definitely will. ♥
0 comments:
Post a Comment