Cheering Line Smiley

Monday, March 25, 2013

Crush Kita! :)

                I’m sure lahat tayo nagkaroon na ng “crush” :) Sa panibagong sulat ko sa blog nato sigurado mapapa-highschool flashback kayo! Chos haha :DD Ewan ko ba! Minsan kasi bigla-bigla nalang sumusulpot yang crush na yan e. Makita mo lang na maganda/gwapo o basta na’attract ka sakanya, mapapasabi ka nalang bigla at maiisip mo na :

·         “Shettt! Crush ko na siya. Tsk!”

Ang hirap lang talaga. Kahit sabihin mong crush mo s’ya.. parang hanggang crush na lang yun. Maliban na lang kung may lakas ka para sabihin mo sa kanya kung ano ba yung kinikislot este tinitibok ng puso mo. :D
Yun na nga ang tanong. Papaano mo sasabihin na crush mo sya?
Kung puwede nga lang sana sabihin ng ganito kadali tulad ng mga sumusunod edi ayos sana.

·         Ice ka ba? crush kasi kita.
·         Uy Alam mo crush kita! Apir*
·         Crush kita, kiss mo ko. sige na.
·         Crush kita, crush mo din ba ‘ko?

                Kaso nga hindi ganoon kadali. Sa totoong buhay nga, madalas napapadasal pa tayo at natatawag pa natin lahat ng mga santo para lang masabi lang yun. Naku! Ang hirap naman din kasi minsan kapag nagkagusto ka sa isang tao. Nandyan yung halos magkasalubong lang kayo, hiyang-hiya ka pero may kilig factor pa din syempre :) diba diba? aminin? Haha. Tapos tutudyuhin ka pa ng mga kaibigan mo. Sabay sabi na “Ui andyan na yung crush mo, papadating”. Shet! Di mo na alam nun yung gagawin mo. Halos hindi ka mapakali. Pero ganun siguro talaga epekto nun haha Di mo alam kung ano mararamdaman mo.. May kaba na may halong super saya :D

                Minsan naman kapag kausap ka lang niya, hindi mo maiwasang mag-blush. Hirap ng ganyan. Pigil to the max wag lang mahalata :DD Sobrang kinikilig ka na pero kailangang magpaka’natural ka lang sa harap niya. Yung parang wala lang. db? Kasi ayaw mong mapansin niya na naiilang ka or something. Minsan din naman may itinatanong lang sayo, pag sumagot ka halos magkanda’bulol bulol ka at halos di makahinga? Haha Lols. Grabe talaga noh? :)

                Kayo ba kapag may crush kayo sa isang tao magkaka-lakas loob kayo na aminin sakanya? Well, madami din kasing pwedeng maging result yung pag-amin natin. Kagaya nito :

·         It’s either iwasan ka o layuan niya.
·         Ma’reject ka. Ouch! :(
·         Hindi pa siya ready.
·         Mailang siya.
·         Pagtawanan ka lang. May mga tao kasing ganyan. -__-
·         Paasahin ka na pareho kayo ng nararamdaman.
·         Samantalahin yung nararamdaman mo.
·         Paglaruan ka.
·         Pwede din namang matuwa siya sa pinagtapat mo dahil pareho kayo ng damdamin para sa isa’t isa. Ayiiieeeeehhhh! Hahah :DD

Kaya ung iba satin natatakot at nawawalan ng confidence sa sarili na aminin ang totoong feelings natin e. Marami kasi tayo naiisip na pwedeng mangyari o maging situation kapag naging totoo tayo. Nagiging duwag kumbaga. Hindi naman natin masisisi ang ating sarili kung maging duwag man tayo. Madalas nagkukubli na lang tayo sa mga nararamdaman natin para sa mas ligtas at para hindi na rin mawala yung mga taong iniingatan natin. May mga bagay kasi na hindi na dapat sinasabi o nalalaman ng ibang tao para ok lahat. I mean para walang magbago at maging problema sa pakikitungo niyo sa isa’t isa. :D

Natatawa nga ako sa sarili ko kapag naaalala ko nung highschool life ko. Classmate ko nun yung crush ko. Grabeeeehh! Halos pumapasok ako araw-araw at walang absent makita ko lang siya. Yung tipong nag-aayos talaga ko ng sarili ko mapansin lang niya. Oh diba baliw lang? haha Pero wala e, gusto ko talaga siya that time :) Kaya siguro nagawa ko yung mga bagay na yun.

KAYA NGA MINSAN MAY NAGTANONG SAKIN. PAANO KAPAG GUSTO KA DIN PALA NIYA? NA YUNG CRUSH TURN TO LOVE? HMM….

-          Eto lang yung nasagot ko sakanya, “Minsan tama na yung crush ko na lang siya. Kasi pag naging kami na I’M GOING TO EXPECT MORE MAWAWALA ANG SATISFACTION. Kasi dati ngitian niya lang ako buo na ang mundo ko, samantalang kapag KAME NA, hindi lang niya ako matext sira na araw ko diba? Sometimes it is better that CRUSH remains as a CRUSH, FRIEND as a FRIEND, BESTFRIEND as BESTFRIEND than taking it to next level and hurt each other in the end “. :)


ALAM NIYO NA? :D


0 comments:

Post a Comment