Ano pa bang saysay ng pagbabalik mo kung sisirain mo lang din naman ang puso niya tulad ng mga pangakong sinira mo? Bakit mo pa kailangang bumalik kung hindi ka naman seryoso sakaniya?
Paano ka ba magmahal? May
choice? Kapag wala na yung taong minamahal mo, doon ka pupunta sa taong
nagmamahal sa’yo? Kawawa naman yung nagmamahal, isa lang siya sa pagpipilian at
parang latak nalang na kapag wala ng makakain ay siya na ang pagtitiyagaan.
Laruan ba hanap mo? Sa toy store ka maghanap at huwag ang damdamin ng tao ang
paglaruan mo.
Marupok kasi ang puso niyan kaya
madali mong nauuto. Lalo na at minahal ka. Naranasan mo na ba kasing magmahal?
Naranasan mo bang maging sunud-sunuran sakanila na parang aso na hindi
nabibigyan ng panahon? Nakakaawa noh? Kaso hindi mo ‘yon alam at wala kang alam
kundi paglaruan ang damdamin ng isang tao.
At akala mo ikinagwapo mo na ang
may humahabol-habol sa’yo at nagtiyatiyagang magmahal? Akala mo madali lang ang
lahat? Sabagay, hindi ako naaawa sa humahabol sa’yo kundi naaawa ako sa’yo.
Dahil sa hindi ka marunong magmahal. Naniniwala naman ako na darating ang araw,
ikaw naman ang iiyak. At sa panahon na ‘yon wala ka ng babalikan dahil ang
lahat ng taong pinaikot mo sa kamay mo ay matatauhan din. Hindi permanente ang
lahat. Kapag nakaramdam sila ng awa sa sarili nila, tiyak titigil din sila.
Kung hindi mo mahal ang isang
tao, hindi mo na siya dapat paasahin pa. Mas mabuti na iyong isang sakit nalang
kaysa naman sa pangmatagalang bakas ng sugat na iiwan mo kapag pinagpatuloy mo
pa ang ginagawa mo. Hindi mo kasalanang mahalin ka niya pero kasalanan mo kung
paaasahin mo pa siya lalo na kung hindi
mo naman talaga siya mahal.
0 comments:
Post a Comment