Ang magmahal
muli pagkatapos ng isang katatapos lang na relasyon ay mahirap. Fresh pa yung
sugat. Hindi pa nakaka-move on. Kumbaga kasi bago palang yung break-up niyo.
Lagi mong naiisip yung nakaraan na kung saan naging masaya ka at bumago ng
buhay mo.
Nagmahal ka.
Mas minahal mo siya, mas nasaktan ka. Yung sakit na iniinda mo ngayon, sakit na
hindi mo inasahang mararanasan mo. Sakit na hindi mo naisip mula pa noon kasi
nagmahal ka ng sobra at nagmahal ka ng totoo.
Paano kapag dumating
na yung panahon na wala ka ng nararamdaman na hinanakit? Yung panahong
kinalimutan mo na yung lahat ng tungkol sakanya? Panahong ikaw ay nakapag-move
on na at handa ng umibig muli? Handa ka na nga ba? Tanungin mo yan sa sarili
mo. Kung hindi pa, mag-isip ka ulit ng mabuti. Pwede kang makipag-kaibigan at
mas lalong bigyan ng oras ang sarili mo para makalimutan mo lahat ng
pinagdaanan mo. Maibibigay nito ang sapat na oras para makalimot ka.
Kung handa
ka na, siguraduhin mong wala ka ng naiwan pang munting feelings para sa ex mo. Yung
tipong kapag nagkausap kayo o nagkaharap, wala ng kaba at ilangan. Papasok ka
na naman sa isang relasyon kung kaya’t dapat mo ng iwan ang nakaraan pero dala
dala ang leksyong natutunan mo mula rito.
Magsimula ulit.
Bumangon.
Malay mo
yung susunod, siya na pala ang papawi ng lahat ng sakit na nararamdaman mo at
mamahalin ka ng mas higit pa sa nakaraan mo. Huwag kang matakot magmahal muli.
PAALALA:
0 comments:
Post a Comment