Cheering Line Smiley

Monday, November 4, 2013

Long distance relationship?



Eto ang pinaka-kumplikado na relasyon. Pero sa lahat ng relasyon, eto talaga ang masasabi mong worth it ipaglaban at I’treasure! Dahil masusubukan dito ang tiwala niyo sa isa’t isa, ang pag-titiyaga, ang pag-hihintay, honesty at loyalty.

Sa bawat araw na lumilipas, dapat mas tumitibay ang relasyon niyo at dapat mas umaangat pa ang tiwala niyo sa isa’t isa.

Oo, maraming tukso sa paligid. Hindi mawawala yan. Pero nasasayo naman kung gagawa ka ng bagay na makakasira ng relasyon niyo eh. Kung mahal mo talaga siya, kahit si Anne Curtis pa o si Mario Maurer pa ang lumandi sayo, hindi ka magpapalandi.

Sa bawat oras na magkakasama kayo, cherish every little moment. Ipakita mong mahal mo talaga siya at napakahalaga niya sayo. Hindi naman nasusukat ang isang relasyon sa araw araw na pagkikita, kung hindi sa bawat araw na lumipas naging matatag kayo at walang bumitaw.

Distansya lang yan. Pero kung tunay na mahal niyo ang isa’t isa, makakaya niyo yan. Distance doesn’t matter. Hindi mapipigilan ng distansya ang pagmamahalan niyong dalawa. 

Basta baon niyo ang pagmamahal ng isa’t isa, nothing is impossible. Kahit ilang kilometro pa ang layo niyo, carry lang yan. Huwag lang sana mawala ang tiwala. Yan ang importante sa isang relasyon. :)
                                                   

Wednesday, September 25, 2013

Sa bawat love story, hindi uso ang “HAPPY EVER AFTER”.


Reality check, walang forever. Syempre, sa simula ng bawat relasyon, hindi mo talaga maiiwasang sabihing.. “Siya na. Siya na talaga ang hinihintay ko.” Mali. Nasasabi mo lang yan kasi masaya ka at dala ng kilig. 

Bakit nga ba tayo naniniwala sa happily ever after na yan? Siguro dulot yan ng panonood natin ng fairy tales nung mga bata pa lamang tayo. Kaya ngayon, umaasa tayong may prinsipeng dadating sa buhay natin na nakasakay sa kabayo. Umaasa tayong matuturing tayo bilang prinsesa. Yung tipong natutulog ka lang, tapos umaasa kang may hahalik para magising ka. Teh, mahiya ka naman. Bad breath ka pa oh? Toothbrush muna bago landi.

Sa totoo lang, sa bawat “THE END” ng mga fairy tales, hindi naman talaga dun nagtatapos yun. Karamihan ng mga fairy tales, nagtatapos kapag nakuha na ng prinsipe ang prinsesa. Pero hindi niyo ba naiisip ang mga posibleng mangyari kapag sila na? Reality check, walang perpektong relasyon. Malay mo, kapag sila na, naging lasinggero ang prinsepe, o di kaya naman naging makati ang prinsesa kaya naghanap ng ibang malalandi diba? Hehe biro lang.
Parang nangyayari lang sa mga relasyon. Bata pa tayo, marami pa tayong makikilala, hindi lang siya. Sabi nga nila, bago mo mahanap ang taong para sayo, marami ka pang makakalandian at makakalampungan hanggang ma-rerealize mo na siya na. Siya na talaga.

Kaya ikaw, bata ka pa. Kaya mo lang nasasabing “FOREVER” kayo kasi masaya kayo. Masasabi mo pa bang forever kayo sa mga pagkakataong nag-aaway kayo? Hindi diba? Kapag nagkakalabuan kayo ng usapan, sumasagi na sa isipan mo na bitawan mo na siya. Nasaan ang forever doon?

Yang forever na yan, parang “unlimited” lang yan ng Globe. Unlimited nga diba? Pero mag eexpired din yan. Parang forever, may hangganan.

Kung sakaling napakasalan mo na siya, dadating pa rin kayo sa puntong may matitigok sa inyong dalawa. Sa panahon ngayon, kung natitigok ang asawa, yung naiwan naman ay magpapakasal sa iba. Anong forever doon?
Hindi ko masasabing totoo ang forever sa ngayon. Dahil bata pa lang nga ako diba? Balang araw, kapag nakapag asawa na ako at kung sakaling natigok na ako, aantayin ko na lang siya sa heaven. (kung dun nga ako tutungo hihi) At kapag natigok na rin siya at nagkita na kami sa langit, at alam kong ako pa rin ang mahal niya, doon ko masasabing totoo ang forever.


 PAALALA: Ito ay mga opinion ko lamang. Kung may mga mali, pagpasensyahan niyo na. Sabi ko nga
“ITO AY MGA OPINION KO LAMANG. :P”
                                      
                                                               

Monday, September 23, 2013

Secret Relationship.

Ano nga ba ito? Eto ba yung dalawa lang kayong nakakaalam na merong KAYO? 
Relasyong hindi mo alam kung tama ba o mali.

May mga positive at negative sides din naman ito:

Positive:
·         Hindi kayo mapag-chichismisan.
·         Walang gulo.
·         Wala yung mga hahadlang at yung mga mang-aagaw.
·         IWAS INTRIGA.

Negative:
·         Hindi niyo masyadong mapapakita ang pagmamahalan niyo.
·         Kailangan niyong malayo sa mga nakakakilala sa inyo kapag may date or may ka echusan kayo.
·         May lalandi sa kanya at may lalandi sayo. Di naman din nila kasalanan eh. Bakit, alam ba nilang may relasyon kayo?
·         MAHIRAP MAG-TAGO.
·         At kapag nalaman ng tropa mo, magagalit sila sayo kasi di mo nasabi sa kanila na merong kayo.

Mahirap pumasok sa ganitong sitwasyon.


May mga pagkakataong kailangan nating itago ang relasyon natin sa isang tao

For Example:
* Ayaw sakanya ng magulang mo.
* Ayaw sayo ng magulang niya.
* Ex siya ng friend mo.
* Hindi ka proud na i'front siya sa mga tao.
* Nakikihati ka lang ng pag-ibig.


Pero kahit ano pa man ang dahilan niyo kung bakit tinatago niyo ang relasyon niyo sa isang tao, MALI pa din yun. Kasi diba kung mahal niyo naman talaga ang isa’t isa, no need na itago pa. Show your feelings to everyone. Kung may hahadlang, harapin niyo. Makakaya niyo lahat basta magtutulungan lang kayong dalawa. Wag niyong isipin ang sasabihin ng iba. Kayo ang nagmamahalan, hindi naman sila. Hayaan niyo nalang sila hanggang sa magsawa silang magsabi ng kung ano ano tungkol sainyo.


Saturday, September 21, 2013

Hanga ako sa mga taong marunong mag let go.

Yung tipong makita lang nila ang taong mahal nila na masaya, ayos na sila. Yung handa silang magtiis at magparaya para sa taong minamahal nila. Alam na kasi nilang wala silang pag-asa, bakit pa sila aasa? Kesa sa may madamay pa at masaktan, kaya mas mabuting mag let go na lang.

Sila rin yung kuntento na at tanggap na ang nangyari sa kanila pero naniniwala pa rin sila na may dadating pang panibago sa buhay nila. Yung mamahalin din sila pabalik at papahalagahan din sila ng bongga. 

Oo, tama ngang ipaglaban ang nararamdaman mo para sa isang tao. Pero may mga pagkakataon na wala na itong patutunguhan, kaya mas mabuti pang mag-let go para wala ng masaktan.


Friday, September 20, 2013

Gaano katindi ang PAG-IBIG?



·         Nagagawa nitong mapag-antay ang mainiping tao.
·         Nasasaktan nito ang manhid.
·         Nagiging sweet ang masungit.
·         Napapatawa ang malungkutin.
·         Napapalambot ang pusong bato.
·         Nagagawa nitong tanga ang matalinong tao.

Come to think of it, napaka’daming nagagawa ng PAG-IBIG sa isang tao. Ikaw mismo sa sarili mo magugulat ka nalang na nagagawa mo na pala yung mga bagay na dati ay hindi mo ginagawa.

That’s the magic of LOVE.
Love can CONTROL people. LOVE can change people.

Pero hindi ngunit nako’control tayo ng ating mga emosyon eh magpapatalo nalang tayo basta dito. Dapat matuto din tayong labanan ito paminsan minsan lalo na’t kung alam natin na hindi na tama, o may mga nasasaktan o nasasagasaan na tayong tao.



Friday, April 26, 2013

Someone's Always Saying Goodbye. Bakit kaya?

SOMEONE’S ALWAYS SAYING GOODBYE by TONI GONZAGA

Kani-kanina lang paulit-ulit kong pinapakinggan yung song nato.. Bigla kong naisip na parang ang sarap niya isulat.. Grabe kasi yung meaning.. Bawat lyrics bumaon sa kailaliman ng puso ko. Chos! :D

Totoo naman diba? Kung pakikinggan mo over and over again at magpo-focus ka, mas makukuha mo yung ibig iparating nung kanta. Naka-relate nga ako medyo eh haha :D Tamang tama kumbaga! Sapul eh. As in! :)

Umpisahan natin sa first verse ng song…




Why do people fall in love
And then end up crying 
Why do lovers walk away from themselves 
When their hearts are breaking 



Oo nga naman.. Bakit nga ba nagmamahal pa ang isang tao kung sa huli ay masasaktan lang sila at iiyak? Napakahirap na tanong.. diba? Pero sa tingin ko kung alam lang nila na iiwan sila, hindi naman nila hahayaang mahulog sila dun sa tao eh. Yun nga lang wala namang nakakaalam kung ano ang maaaring mangyari.. And besides, yung iba naman kasi ginagawa na halos lahat para sa isang tao, though hindi naman niya alam kung hanggang saan o hanggang kailan ung lovestory nila.. Meaning, wala pang kasiguraduhan.. Ewan ko ba.. Sadyang may mga tao lang talagang ganyan. Hindi naman natin sila masisisi dahil nagmahal lang naman sila. Yun nga lang sa maling tao napunta ang wagas na pag-ibig na ibinigay nila.


Why does loving’ sometimes never stay long
Why does kissing this time mean you’ll be gone 
 

Sa lines nato talaga ako napaisip ng sobra. Tama naman kasi eh.. Halos kadalasan ngayon, ung mga relationship hindi na nagtatagal.. Napaka dalang nalang na may mababalitaan kang nagtatagal sa relasyon. Bakit nga kaya?

·         Hindi kaya sila makuntento?
·         Madali kaya silang magsawa? Na kapag sawa na itatapon nalang agad ang partner at iiwan sa isang tabi?
·         May iba lang kaya silang motibo kaya nakipag-relasyon sila? Na kapag nakuha at nakamit na, chupi na kaagad ang ka’lovestory nila?
·         Masyado kaya silang demanding? Na kapag hindi naibigay ng partner nila yung gusto nila, iiwan nalang nila bigla?
·         Madali kaya silang matukso ng mga hitad at mga hito? Sabagay kung talagang mahal naman nila ang isang tao hindi naman sila magpapa-apekto kahit anong paglandi at pagtukso ang gawin sakanila at lalong lalong hindi nila magagawang iwan ang taong mahal nila (kung mahal talaga nila).
·         Madali kaya silang bumitaw? Yung tipong maliit lang na bagay ang napag-awayan niyo eh bigla ka nalang iniwan ng hinayupak!?
·         Nakikiuso kaya sila?
·         O sadyang nature na nila yun, ang mang-iwan?

Grabe! Madaming tanong ang pwedeng pumasok sa isip ng isang taong naiwan. Lalo na kung hindi naman siya nagkulang at ginawa naman niya lahat ng nararapat para mag-lasts ang relationship nila. Napaka-swerte mo nalang kapag dumating pa sa buhay mo ang isang matinong relasyon.



Why does gladness become sadness
Things that I don’t get … 

Naisip niyo rin ba minsan kung bakit sa umpisa ang saya-saya ng relasyon niyo tapos biglang BOOM! Nawala nalang lahat at nauwi sa kalungkutan? Nakakainis lang isipin na sa una lang okay.. Na sa una lang walang problema.. Sa una lang feeling mo nasa heaven ka dahil sa sobrang kasiyahan mo.. Hayyy

Oh eto chorus na ..



Someone’s always saying’ goodbye
I believe it hurts when we cry 
Don’t we know parting’s never so easy 
And with all the achings inside 
I believe some hearts will survive 
Trying’ hard to pretend that we’re gonna be fine … 

Bakit nga kaya may mga tao pang nagagawang mang-iwan noh?
Ang sakit kaya maiwanan tapos wala kang ibang magagawa kundi umiyak.. Kasi naman eh, maiisip mo iniwan ka na ng taong minsang ginawa mong buong mundo mo.. Taong minsang napasaya at nabigyang kulay ang buhay mo..

Napapaisip nga ako kung paanong yung ibang tao naha-handle at nako-control nilang mabuti yung feelings nila. Yung tipong parang kayang-kaya nilang dalhin yung sakit. Na kapag tinitingnan mo sila parang natural lang. Parang hindi sila naiwan. Bilib ako sa mga taong ganun. Hindi nila nagagawang pabayaan ang sarili nila. Hindi sila masyadong nagpapa-apekto sa nangyari, mas iniisip pa din nila na kailangan nilang magpakatatag. Dahil alam nilang sila lang ang makakatulong sa sarili nila para makayanan ang lahat ng pinagdadaanan niya.

2nd verse na :)


I could never really love
Someone else but you 
(No one else but you) 
I have never wanted anything else 
But a love so true 


Meron lang talagang mga taong martir eh! Iniwan na nga sila, nagagawa pa nilang gustuhin o mahalin pa din yung taong nanakit sakanila. Hayy.. Ang hirap lang isipin na nagpapaka tanga sila sa isang tao na walang ibang alam gawin kundi saktan sila at isuko. Sabagay choice nila yun eh. Siguro ganun lang talaga sila katapang para ipaglaban ang isang relasyon na alam nilang wala naman talagang kasiguraduhan kung magwo-work o hindi. Lumalaki na talaga ng husto ang populasyon ng mga TANGA sa mundo. :D Please, sa iba dyan wag na kayong dumagdag.



But just like a dream that comes in the night
In the morning you were out of my sight 
Turned away from me, sadly as I see 
Away from where I stand … 

Ayan na nga ba ang sinasabi ko! Mamahalin mo ng sobra, tapos para lang siyang isang magandang panaginip na mangyayari sa buhay mo. (Maganda nga ba o isa lang bangungot?) Pano ba naman kasi pag-gising mo wala na pala siya, hindi mo na hawak. Hindi na sayo. Ang saklap lang eh! Nakakapang-gigil! Nang-iiwan sa ere! Pakyu kayo! Haha :D




Someone’s always saying’ goodbye
I believe it hurts when we cry 
Don’t we know parting’s never so easy 
And with all the achings inside 
I believe some hearts will survive 
Trying’ hard to pretend that we’re gonna be fine … 


Natutuwa ako.. Dahil sa song nato ang haba ng naisulat ko.. Nag-enjoy ako sa pagsusulat. :> Aminin nyo din naman kasi na napaka-ganda talaga ng meaning ng kanta nato. Lahat ng nasaktan na at naiwanan ay makaka-relate talaga.  Napag-daanan ko na din naman kasing maiwan, umiyak, magmukang tanga. Ganun talaga life. Hehe kaya nga sabi nila

“Hindi nakakapagod magmahal, nakakasawa lang masaktan.”

Sobrang tama naman diba? Haynako! Lahat naman siguro tayo naranasan na ang masaktan. Diba diba? Oy wag nyo ng I’deny. Kukurutin ko kayo sigeeee! :D

Sana nag-enjoy kayo sa pagbabasa..

PAALALA: Ito ay mga opinion ko lamang. Kung may mga mali, pagpasensyahan niyo na. Sabi ko nga
“ITO AY MGA OPINION KO LAMANG. :P”