Cheering Line Smiley

Wednesday, September 25, 2013

Sa bawat love story, hindi uso ang “HAPPY EVER AFTER”.


Reality check, walang forever. Syempre, sa simula ng bawat relasyon, hindi mo talaga maiiwasang sabihing.. “Siya na. Siya na talaga ang hinihintay ko.” Mali. Nasasabi mo lang yan kasi masaya ka at dala ng kilig. 

Bakit nga ba tayo naniniwala sa happily ever after na yan? Siguro dulot yan ng panonood natin ng fairy tales nung mga bata pa lamang tayo. Kaya ngayon, umaasa tayong may prinsipeng dadating sa buhay natin na nakasakay sa kabayo. Umaasa tayong matuturing tayo bilang prinsesa. Yung tipong natutulog ka lang, tapos umaasa kang may hahalik para magising ka. Teh, mahiya ka naman. Bad breath ka pa oh? Toothbrush muna bago landi.

Sa totoo lang, sa bawat “THE END” ng mga fairy tales, hindi naman talaga dun nagtatapos yun. Karamihan ng mga fairy tales, nagtatapos kapag nakuha na ng prinsipe ang prinsesa. Pero hindi niyo ba naiisip ang mga posibleng mangyari kapag sila na? Reality check, walang perpektong relasyon. Malay mo, kapag sila na, naging lasinggero ang prinsepe, o di kaya naman naging makati ang prinsesa kaya naghanap ng ibang malalandi diba? Hehe biro lang.
Parang nangyayari lang sa mga relasyon. Bata pa tayo, marami pa tayong makikilala, hindi lang siya. Sabi nga nila, bago mo mahanap ang taong para sayo, marami ka pang makakalandian at makakalampungan hanggang ma-rerealize mo na siya na. Siya na talaga.

Kaya ikaw, bata ka pa. Kaya mo lang nasasabing “FOREVER” kayo kasi masaya kayo. Masasabi mo pa bang forever kayo sa mga pagkakataong nag-aaway kayo? Hindi diba? Kapag nagkakalabuan kayo ng usapan, sumasagi na sa isipan mo na bitawan mo na siya. Nasaan ang forever doon?

Yang forever na yan, parang “unlimited” lang yan ng Globe. Unlimited nga diba? Pero mag eexpired din yan. Parang forever, may hangganan.

Kung sakaling napakasalan mo na siya, dadating pa rin kayo sa puntong may matitigok sa inyong dalawa. Sa panahon ngayon, kung natitigok ang asawa, yung naiwan naman ay magpapakasal sa iba. Anong forever doon?
Hindi ko masasabing totoo ang forever sa ngayon. Dahil bata pa lang nga ako diba? Balang araw, kapag nakapag asawa na ako at kung sakaling natigok na ako, aantayin ko na lang siya sa heaven. (kung dun nga ako tutungo hihi) At kapag natigok na rin siya at nagkita na kami sa langit, at alam kong ako pa rin ang mahal niya, doon ko masasabing totoo ang forever.


 PAALALA: Ito ay mga opinion ko lamang. Kung may mga mali, pagpasensyahan niyo na. Sabi ko nga
“ITO AY MGA OPINION KO LAMANG. :P”
                                      
                                                               

0 comments:

Post a Comment