Yung tipong makita lang nila ang
taong mahal nila na masaya, ayos na sila. Yung handa silang magtiis at
magparaya para sa taong minamahal nila. Alam na kasi nilang wala silang
pag-asa, bakit pa sila aasa? Kesa sa may madamay pa at masaktan, kaya mas
mabuting mag let go na lang.
Sila rin yung kuntento na at
tanggap na ang nangyari sa kanila pero naniniwala pa rin sila na may dadating
pang panibago sa buhay nila. Yung mamahalin din sila pabalik at papahalagahan din
sila ng bongga.
Oo, tama ngang ipaglaban ang
nararamdaman mo para sa isang tao. Pero may mga pagkakataon na wala na
itong patutunguhan, kaya mas mabuti pang mag-let go para wala ng masaktan.
0 comments:
Post a Comment