Reality check, walang forever. Syempre, sa simula
ng bawat relasyon, hindi mo talaga maiiwasang sabihing.. “Siya na. Siya na
talaga ang hinihintay ko.” Mali. Nasasabi mo lang yan kasi masaya ka at dala ng
kilig.
Bakit nga ba tayo naniniwala sa happily ever after na
yan? Siguro dulot yan ng panonood natin ng fairy tales nung
mga bata pa lamang tayo. Kaya ngayon, umaasa tayong may prinsipeng dadating sa
buhay natin na nakasakay sa kabayo. Umaasa tayong matuturing
tayo bilang prinsesa. Yung tipong natutulog ka lang, tapos umaasa kang may
hahalik para magising ka. Teh, mahiya ka naman. Bad breath ka pa oh? Toothbrush
muna bago landi.
Sa totoo lang, sa bawat “THE END” ng mga fairy tales,
hindi naman talaga dun nagtatapos yun. Karamihan ng mga fairy tales, nagtatapos
kapag nakuha na ng prinsipe ang prinsesa. Pero hindi niyo ba naiisip ang mga
posibleng mangyari kapag sila na? Reality check, walang perpektong relasyon.
Malay mo, kapag sila na, naging lasinggero ang prinsepe, o di kaya naman naging
makati ang prinsesa kaya naghanap ng ibang malalandi diba? Hehe biro lang.
Parang nangyayari lang sa mga relasyon. Bata pa tayo, marami pa
tayong makikilala, hindi lang siya. Sabi nga nila, bago mo mahanap ang taong
para sayo, marami ka pang makakalandian at makakalampungan hanggang
ma-rerealize mo na siya na. Siya na talaga.
Kaya ikaw, bata ka pa. Kaya mo lang nasasabing “FOREVER” kayo kasi
masaya kayo. Masasabi mo pa bang forever kayo sa mga pagkakataong nag-aaway
kayo? Hindi diba? Kapag nagkakalabuan kayo ng usapan, sumasagi na sa isipan mo
na bitawan mo na siya. Nasaan ang forever doon?
Yang forever na yan, parang “unlimited” lang yan ng Globe.
Unlimited nga diba? Pero mag eexpired din yan. Parang forever, may hangganan.
Kung sakaling napakasalan mo na siya, dadating pa rin kayo sa
puntong may matitigok sa inyong dalawa. Sa panahon ngayon, kung
natitigok ang asawa, yung naiwan naman ay magpapakasal sa iba. Anong forever
doon?
Hindi ko masasabing totoo ang forever sa ngayon. Dahil bata pa
lang nga ako diba? Balang araw, kapag nakapag asawa na ako at kung sakaling
natigok na ako, aantayin ko na lang siya sa heaven. (kung dun nga ako
tutungo hihi) At kapag natigok na rin siya at nagkita na kami sa langit, at
alam kong ako pa rin ang mahal niya, doon ko masasabing totoo ang forever.
PAALALA: Ito ay mga opinion ko lamang. Kung may mga mali,
pagpasensyahan niyo na. Sabi ko nga
“ITO AY MGA OPINION KO LAMANG. :P”