·
Kabet
·
Third party
·
Nakikiapid
·
Second Option
·
Hindi priority
Ilan lang yan sa mga tawag sa nagmamahal sa taong may mahal ng iba. Ang
sakit no? Yung maramdaman mong pangalawa ka lang. Naaalala ka lang kapag
magkaaway sila. Yung may kahati ka sa oras niya. Hindi mo siya pwedeng
ipagsigawan sa buong mundo. Hindi mo pwedeng ipaglaban dahil alam mong sa
simula palang, ikaw na ang talo.
Yung maramdaman mong pansamantala ka lang at kahit na anong oras, maaari
ka niyang talikuran at kalimutan ang mga masasayang sandali niyong dalawa dahil
wala namang kayo. Hindi naman kayo. Nakakainis pero wala kang magawa kung hindi
tanggapin na sa puso niya ay may kahati ka sa pwesto. Wala kang karapatan kasi
ikaw ang nakikihati. Hindi ka pwedeng manumbat kung inililihim ka niya sa lahat
kasi simula pa lang, pinili mong magmahal ng taong pag-aari na ng iba. Kaya
kailangan mong harapin ang bawat sakit na darating.
Ang masakit pa, pinaparamdam niya sa’yo na mas mahal ka niya ngunit
hindi niya magawang iwanan yung isa. Napaka unfair. Napakasakit dahil parang
pinaglalaruan ka ni Kupido at pinana ka sa taong nakalaan na sa iba. Araw-araw
kang nananalangin na sana kayo nalang, sana ikaw nalang. Araw-araw din sayong
pinapamukha ang katotohanan na nagmamahal ka ng isang taong turing sa’yo ay
reserba lang.
Mahirap bumitaw, lalo na kung nasa gitna ka na ng laban. Pero ang mas
nagpapahirap dito ay yung katotohanan na alam mong kapag bumitaw ka, ikaw lang
ang masasaktan at luluha. Pero naisip mo ba, sa dami ng tao sa mundo, mayroon
diyan na naghihintay lang sa’yo. Mas mamahalin ka at gagawin ang lahat para
iparamdam sa’yo na ikaw ang priority niya.
0 comments:
Post a Comment