Cheering Line Smiley

Sunday, March 31, 2013

NARANASAN MO NA BA? :(

Naranasan mo na bang iwan ka ng taong mahal mo na wala man lang paalam? Yung isang araw pag-gising mo sa umaga wala ka ng mababasa sa cp mo na text galing sa kanya like ..

*good morning babe..
*ingat ka palagi babe..
*wag kang magpapalipas ng gutom ha? baka mangayayat ang babe ko..
*miss kita always babe..
*wag ka ng magpuyat babe. Pag-gising mo bukas siguradong mahal pa rin kita..
at higit sa lahat yung 3 words na palaging nakakapagpangiti sa’yo..
*I LOVE YOU..

Bawat araw na lumilipas naghihintay ka na baka sakaling magtext siya sayo. Sasabihin mo sa sarili mo..

*baka wala lang siyang load
*baka busy lang siya sa work/school niya
*baka may nangyari lang sa bahay nila
*baka wala siyang pera pangload
*baka nasira yung cp niya

Puro BAKA nalang.. hanggang sa wala ka ng mahintay. Ang sakit sa pakiramdam diba? Lalo na pag sobrang mahal na mahal mo yung taong yun. Ang hirap tanggapin na nawala nalang na parang bula yung mga nakasanayan mo ng ginagawa niya. Ang dami ring katanungan..

*Bakit hindi na siya nagpaparamdam?
*May nagawa ba akong mali?
*Nagsawa na ba siya?
*Hindi na ba niya ako mahal?
*Bakit niya ako iniwan?
*Bakit hindi man lang siya nagpaalam? Matatanggap ko naman kung hindi na niya ako mahal.. Importante magsabi siya.

Ang sakit lang sa dibdib. Wala na yung taong nagpapangiti sayo araw-araw. Wala na yung masasayang alaala na nabuo. Ang magagawa mo nalang ay umiyak. Umiyak dahil nagmahal ka ng taong DUWAG! Takot magpaalam kapag nagsawa na..


Friday, March 29, 2013

Be who you are :)

*Hindi mo kailangan maging maganda.
*Hindi mo kailangan maging mayaman.
*Hindi mo kailangan maging matangkad.
*Hindi mo kailangan maging sexy.
*Hindi mo kailangan maging matalino.
*Hindi mo kailangan maging perpekto.

Kasi kung mahal ka niya talaga, tatanggapin at mamahalin ka niya maging sino o ano ka man. 
Kahit ikaw pa ang pinaka panget sa mundo, pinakamataba, pinakabobo, pinakamaliit, mamahalin ka pa rin niya ng buong puso.


Thursday, March 28, 2013

Bakit ba tayo nasasaktan?

Kasi umaasa tayo sa mga bagay na walang kasiguraduhan. 
Naghihintay sa isang nakaraan na hindi na pwedeng balikan at nagmamahal ng taong hindi tayo kayang mahalin tulad ng pagmamahal natin sa kanila.

Over populated na ang tanga dito sa mundo, kaya kung pwede wag ka ng dumagdag. :D


Wednesday, March 27, 2013

Bakit ba hindi pwede dumating kaagad yung taong makakatuluyan ng pang habang buhay?

Bakit kailangan mo pang masaktan ng napakaraming beses? Bakit ganun?

Siguro nga pinapasikot sikot muna tayo ni Kupido. Diba nga sabi nila, ma-iinlove ka muna sa napakaraming lalake/babae bago mo matagpuan ang taong nakalaan talaga para sayo? Kahit ang dami mong PINI BEE BEE TEENS, babagsak ka pa rin sa taong nilaan sayo ni Kupido.

Magandang bagay naman din ang nasasaktan. Dito ka rin naman din matututo eh. Dito mo din malalaman kung ano ang tama sa mali. Kaya wag ka munang mag-madali, dadating din yang si Mr. Right mo. 
Kalma lang. Bata ka pa, marami ka pang pwedeng gawin bukod sa makipag PEE BEE BEE TEENS. :D


Tuesday, March 26, 2013

Ang larong “Landi-Landian”

Naranasan niyo na ba ang larong ‘to? 
Ito yung nag-lalandian lang kayo without commitments. Tapos oras na may ma inlove sa inyo, game over na.

Mahirap laruin ‘to. Kasi sa set up na ginagawa niyo, hindi talaga maiiwasan ang ma-inlove. 

Yung tipong magka-developan ng feelings. Ang masaklap dito, kapag yung isa, landi lang talaga ang habol. Kaya madalas nakakawawa dito yung nahulog na. Paano ba naman, hindi siya sinalo. 
Ang saklap lang diba?