Cheering Line Smiley

Monday, March 25, 2013

At First Sight (One Short Story)



*Prologue*

Paano nga ba nagsisimula ang PAG-IBIG? Sa papaanong paraan nararamdaman ang PAG-IBIG? Ang gulo noh? Minsan naiisip ko kung bakit nakakaramdam ang tao ng LOVE. Tiyaka bakit ang LOVE parang nang-iinsulto?? Bakit ang taong mahal mo ayaw sayo? Tapos yung taong nagmamahal sayo ayaw mo naman. Bakit ganun? Hindi ba pwedeng kung sino mahal mo mahal ka rin? This story is all about two people na hindi naman talaga magkakilala pero alamin natin kung papaano sila nagkalapit at kung anong magandang pangyayari ang magaganap at mababago sa kanilang buhay :)

----------------------------------------------------------------------------

Bakit kaya nangangamba
Sa tuwing ika'y nakikita
Sana nama'y magpakilala
Ilang ulit nang nagkabangga
Aklat kong dala'y pinulot mo pa
'Di ka pa rin nagpakilala


Yiel: Bhes, itigil mo na nga yang kanta na yan? Hindi ka ba nagsasawa dyan? Halos kanina mo pa pinapatugtog yan ah.. Adik lang? Haha

Arlene: Eto naman ang KJ! Nagsesenti lang yung tao e. Saka alam mo namang favorite ko yung song nato.

Yiel: Aminin mo na kasi! For sure kaya mo lang pinapakinggan yan dahil sa crush mo na hanggang ngayon di pa din niya alam haha :DD

Arlene: Mas ok na yun noh na ako na lang ang nakakaalam!

Yiel: It’s almost 5months simula nung magkagusto ka sa lalaki na yun pero until now hindi pa din niya alam ang feelings mo. Grabe ah! Ang slow at ang hina mo bhes! haha sige ka baka maunahan ka pa ng iba. :p

Arlene: Ayoko nga magpapansin at maging stalker niya noh! Hindi naman kasi ako katulad ng iba dyan! Haha

Yiel: Nang-asar pa :D Gumayak ka na nga ng makapunta na sa school. Ma-late pa tayo. At para makita mo na din si SUPER CRUSH mo. Haha

Arlene: Sira ka talaga. Haha Sige gayak lang ako.




            May mga bagay talaga na hindi mo masabi sa isang tao na idadaan mo nalang sa isang kanta. Tulad ko. Ako nga pala si Arlene Trinidad. 18 years old, 3rd year college.  Naging paborito ko yung kanta na “KAILAN” simula ng makilala ko siya. Si Joseph Mejia. Crush ko si Joseph. Schoolmate ko kasi siya. Five months na nakakalipas simula nung una ko siyang makita.  Naalala ko tuloy kung paano ko siya nakilala :)


Papunta akong library para mag-research sa report na gagawin ko sa Accounting subject namin.Sobrang busy ako nun kasi ang hirap hanapin nung mga books na gagamitin ko.

Finally after 10mins nahanap ko na din ang kailangan ko. So sinimulan ko na yung gagawin ko. Matagal din ako nag-stay sa library kasi ang hirap din pala pag-aralan nung part na napunta sakin sa report. 5pm na ko halos natapos sa ginagawa ko. Pauwi na ko at palabas ng library ng may nagsalita :

“Miss, naiwan mo yung folder mo.”

Napalingon ako bigla sakanya.

“Ayy… Thanks ah!”

Hindi na siya kumibo. Hindi man lang nag-welcome. Kaya lumabas na din ako ng library. Habang pauwi ako at pasakay ng jeep naisip ko, ang gwapo naman ng lalaki na yun. Shetttt! Ano kaya name niya?? Nakalimutan ko palang itanong. Sayang …


After 2 days…


Pauwi na ko galing school. Ang malas ko lang dahil inabutan pa ko ng ulan. That day pa naman wala akong dalang payong. Nakaka-bad vibes talaga sobra. So sumilong muna ko sa waiting shed. Ang tagal bago tumila ng ulan.

Maya maya may lalaking lumapit sakin. Nagulat ako. Guess who? Si crush!

Sabi niya, “ Lika na! Sabay ka na sakin. Hahatid na lang kita sa sakayan ng jeep. Delikado dito lalo na’t umuulan pa.”

Grabe sobra ang kilig ko! Sobrang sweet niya. Mga 15mins din siguro kaming magkasama. Nahatid na niya ko sa sakayan.

“Ui salamat ah. Kung wala ka dun baka mamaya pa ko makauwi. Salamat talaga.”

“Wala yun. Ako nga pala si Joseph.” Sabi niya sabay ngiti.

“Ako si Arlene” sabi ko.

“Sige alis na din ako, ingat ka sa pag-uwi ha?” sabi ni Joseph.

“Oo, ikaw din ingat. Salamat ulit” :)

Sumakay na ko ng jeep, habang pauwi di mawala sa isip ko ang nangyari. Halos di na mawala ang ngiti sa labi ko. Lalo na kapag naaalala ko yung ngiti at tingin niya na halos makapagpa-tunaw sa akin. :) Para na akong lumilipad sa ulap sa sobrang saya.



Yiel: Oy. Nagde-daydream ka na naman!

Arlene: Panira ka talaga ng moment! Hahaha Alis na ba tayo?

Yiel: Oo tara na! Mahuhuli tayo sa klase dahil sa pag-iilusyon mo.

Arlene: Miss ko na siyaaaaaa!

Yiel: Hah? Sino? Si crush mong walang kaalam-alam na gusto mo siya? Hahahah :D

Arlene: Sige mang-asar ka pa! Napaka mo talaga!

Yiel: I know NAPAKA ganda at supportive kong bestfriend. Don’t need to mention :)

Arlene: Tse! Tumahimik ka na nga lang diyan bhes!

Yiel: Eh diba sabi nila kapag lagpas 4months na hindi na crush yun? Ayieehhh! Haha

Arlene: Heh! Tama na bhes.

Yiel: Pero infairnes, tuwing may disaster na mangyayari sayo lagi siyang nandiyan ah. He’s like a savior.




Pero sa totoo lang napaisip ako sa sinabi ni Bhes Yiel na yun. Hindi tuloy ako makatulog.

“Eh diba sabi nila kapag lagpas 4months na hindi na crush yun?”

“Eh diba sabi nila kapag lagpas 4months na hindi na crush yun?”

“Eh diba sabi nila kapag lagpas 4months na hindi na crush yun?”



Tama din naman si Yiel sa sinabi niya. Hindi ko alam kung sinasadya ba talaga ng tadhana na magkalapit kami. Lagi nga siyang nandiyan kapag may nangyayaring masama sakin. Sino ba naman ang hindi magkakagusto sa ganun? Miss ko na talaga ang savior ko!



REFRAIN
Bawat araw sinusundan
'Di ka naman tumitingin
Ano'ng aking dapat gawin

CHORUS
Kailan, kailan mo ba mapapansin ang aking lihim
Kahit ano'ng aking gawin, 'di mo pinapansin
Kailan, kailan hahaplusin ang pusong bitin na bitin
Kahit ano'ng gawing lambing, 'di mo pa rin pansin


Hayyy … Mababaliw na ko kakaisip! Pati ako naguguluhan na sa sarili ko. Halos limang buwan ko na siyang sinusulyapan, inaabangan at kinakakiligan sa malayo. Iniisip ko ako ang babaeng nginingitian niya, ang nagpapakislap ng kanyang mga mata at tinutunaw ng paningin niya.


Sana isang araw magkita ulit kami …

---------------------------------------------------------------------------

Sunday Morning …


Yiel: Oi bhes, may bago daw bukas na restaurant malapit dito ah. Tara dun libre ko :) Andun din ang boylet ko at may kasama siyang guy. Ipapakilala daw sayo. Cousin niya.

Arlene: Sino naman yun? San ba gawi?

Yiel: Basta malalaman mo din. Sumama ka nalang kasi.

Arlene: Hmm, parang nakakapagtaka lang ah. Kuripot mo na yan? Nag-aya ka tapos manlilibre ka pa? Anung nakain mo? Haha

Yiel: Wala pa. Kaya nga kakain palang tayo dun diba? :) Tara na. Bilis! Naghihintay sila.

-----------------------------------------------------------------------------------

Habang naglalakad kami papunta sa restaurant na sinasabi ni Yiel, parang may something akong nararamdaman. Kinakabahan ako na di ko malaman ang dahilan.

Habang papalapit kami sa restaurant. Nakita ko agad yung dalawang lalaki kaso nakatalikod. Naunang lumapit si Yiel sakanila. Sumunod na din ako sakanya. Bigla akong natigilan nung kaharap ko na yung lalaki na kasama ng boyfriend ni Yiel. Hindi ako pwedeng magkamali. Si Joseph yun. Hindi ko alam kung nananaginip ako o anu. Halos di ako makapagsalita, nakatitig lang ako sakanya. May sinasabi na pala ang bestfriend ko hindi ko na napansin.


Yiel: Ayos ka lang???

Arlene: Ahh e oo ayos lang. (Grabe di talaga ko mapakali. Nakatingin pa si crush sakin)


Pinakilala na sakin ng boyfriend ni Yiel si Joseph. Hindi nila alam na magkakilala na kami. Ngumingiti pa ng nakakaloka ang bruha kong bestfriend. Syempre alam niyang crush ko yun. Kaya pala iba pakiramdam ko kanina nung papunta pa lang kami dito. Masyado ako nabigla sa pangyayari. Hindi man lang nagsabi sakin itong si Yiel na si Joseph pala yung pinsan ng boyfriend niya. Grabe talaga! Pero sobrang saya ko. As in!


Joseph: Arlene right? (Sabay ngiti niya) :>

Arlene: Oo.  (Shet! Nagbla-blush na yata ako sa sobrang kakiligan)

Joseph: We met in the library. Natatandaan mo pa?

Arlene: Oh! I see. (Wala ako ibang masabi sakanya, kaya nakatitig lang ako sa makinis niyang mukha. Ang Landi Ko! Hahaha)

Joseph: Itatanong ko nga sana kung pauwi ka na din nun para magkasabay na tayo kaso bigla kang umalis. Sayang. Saka nagkita na din tayo nun sa shed nung umuulan.


Bigla namang sumingit ang bestfriend kong hitad. Chos! Haha wrong timing talaga toh kahit kailan.


“Ei guys! Maiwan muna namin kayo, may pupuntahan lang kami ng honey ko.
Joseph you can take care my bhes naman diba? Ikaw na bahala diyan.” Sabi ni Yiel.

“Sure. I will” sabi ni Joseph.


Umalis na si Yiel at ang boyfriend niya. Kumindat pa at ngumiti sakin ang bruha. Haha :DD



Joseph: San mo gusto magpunta? Libot tayo :)

Arlene: Kahit saan ok lang sakin (Basta kasama kita! Pero syempre di ko sinabi yan. Nakakahiya! Haha)

Joseph: Sa park nalang tayo, ok lang?

Arlene: Yup. Sige ok lang. (Nginitian ko na din siya) Tara!


Habang naglalakad na kami sa park, bigla nalang ako natapilok. Sa sobrang kakiligan ko at nawawala pa ko sa sarili ko, di ko napansin na may bato pala. Nakakahiya sobra!


“Mag-iingat ka. Dahan dahan lang sa paglakad.” Sabi niya sabay alalay sakin.


Sa ginagawa niya, mas lalo ko siyang nagugustuhan. Sobrang sweet niya, caring, tapos feeling ko pag kasama ko siya walang mangyayaring masama sakin. Ang landi noh? Haha


Joseph: Arlene, can I ask you something??


Arlene: Sure. Ano ba yun? (Grabe kaba ko kasi sobra kong curious sa itatanong niya)


Joseph: May bf ka na ba??
(Titig na titig pa siya sakin habang tinatanong niya toh)


Arlene: Hmm, wala. Bakit? (Ayaw pa din mawala ng kaba ko. Naiilang ako sa titig niya)


Joseph: Hmmmmmmmm… Tatanong ko lang sana kung pwede akong manligaw?? Matagal na kasi kitang gusto. Simula nung una palang kitang nakita sa library ng school natin. Natatakot lang akong sabihin sayo kasi takot akong ma-reject. Pero ngayon may lakas na ko ng loob kasi naisip ko baka makuha ka pa ng iba. Gusto kitang mahalin. Gusto kong lagi kang maprotektahan. Kung papayagan mo ako :)


Wala ako maisagot sa sinabi niya. Sobra kong na’shock. Ang bilis ng pangyayari! Feeling ko nananaginip ako. Wala akong magawa kundi titigan siya. Kaya pala lagi siyang nandyan para sakin. Kaya pala halos kapag may kamalasang nangyayari, lagi siyang nandyan para tulungan ako.


“Arlene, are you ok? May nasabi ba akong mali?? Hindi ka na kasi kumibo. I’m sorry..” sabi niya at sabay hawak sa kamay ko.


Saglit kaming natahimik. Parang lutang ang isip ko. Di ko alam kung ano nangyayari sakin. Hindi ko alam kung bakit hindi ako makasagot sa kanya. Basta ang alam ko lang kinikilig ako ng sobra at hindi makapaniwala sa tinanong niya.

Ilang sandali pa, nagawa ko na din sagutin ang tanong niya …


“Sige Joseph. Payag ako kung makakapaghintay ka.” Sabay ngiti sakanya. Ayoko kasing madaliin ang lahat. Gusto kong magkakilala muna kaming mabuti. Syempre todo pakipot muna ko haha :D


“Maghihintay ako Arlene. Pangako! Sana may pag-asa ako” sabay yakap niya sa akin.


“Sana nga makapag-hintay ka”



Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko ngayong oras nato. Sana hindi na matapos toh. Ang lalaking pinapangarap ko, eto na ngayon. Yakap yakap ako. Hay this is the best day of my life. At first akala ko wala kaming pag-asa. Hindi talaga ko halos makapaniwala na ngayon nagtapat na at gusto pa akong ligawan ng lalaking halos kabaliwan ko kakaisip ng 5months. Haha :D

-----------------------------------------------------------------------------

*EPILOGUE*


Lagi ng magkasama si Arlene at Joseph. Todo effort ang lalaki mapasagot lang si Arlene. Halos bigyan niya ng bulaklak araw-araw mapadama lang niya na gusto niya talaga ito. At syempre sabi nga niya kailangan muna nilang kilalanin ang bawat isa. Kaya eto sila ngayon… FRIENDS! Pero alam nila sa sarili nila na may puwang ang puso nila para sa isa’t isa.

Sa wakas, after 6months na pagtiya-tiyaga at pagsuyo ni Joseph kay Arlene, napasagot na din niya ito ng matamis na matamis na “OO”. At ngayon First Monthsary na nila. Wala na silang mahihiling pa. Masayang-masaya na sila. Alam nila na nagsisimula palang ang pagsasama nila at marami pa silang pagdadaanan. Marami pang mga pagsubok na kailangang lusutan.Sa ngayon ay maligaya at matiwasay ang kanilang relasyon at pamumuhay. :)

Nakakatuwa nga naman ang buhay noh? Minsan mabibigla ka na lang sa mga pangyayari na di mo inaasahan na darating sayo. Katulad nalang ng love story ni Arlene at Joseph. Nahulog sila sa isa’t isa sa pamamagitan ng ‘FIRST SIGHT” lang. :) Kung iisipin natin parang malabong mangyari pero still God made a best way para mahanap at matagpuan nila ang isa’t isa.
So they’re so called “CRUSH AT FIRST SIGHT” turned out to be the love of their life...

One of the most amazing things in the world is having someone fall in love with you who you thought you’d never had a chance with.



1 comments:

Unknown said...

:)

Post a Comment