Cheering Line Smiley

Monday, March 25, 2013

Paano Nga Dapat Mag-Move On Ang Taong Iniwan?

FIRST THING TO DO IS : UMIYAK. Iiyak mo lahat ng sakit, Umiyak ka hanggang gusto mo. Normal lang yan eh.

Ang iyak ang pinaka mabisang paraan to ease pain.

FIND A FRIEND : Hayaan mong icomfort ka ng mga kaibigan mo. Sila kasi yung mga taong unang magpapasaya sayo. Sila yung mga taong papayuhan ka ng isang damakmak na advice. Sila yung totoong iintindi sayo.


STOP ASSUMING : Kapag iniwan ka na niya at niloko ka niya wag ka ng umasang babalik pa siya.
Kung totoong mahal ka niya hindi niya makakayang mawala ka sa kanya.


ERASE YOUR BITTERNESS : Eto yung pinaka mahirap eh, Ang magpatawad. Lalo na kapag niloko ka niya </3 Fucking Shit lang :( Pero sa isang pagkakataon bago ka makapag move on kailangan mo talagang alisin yung galit dyan sa puso mo. Kailangan mo rin kasi irest yang puso mo eh. Isipin mo na parang sinisigaw na sayo ni God na “HINDI SIYA ANG PARA SAYO ANAK”. Everything happens for a reason.


ACCEPT : Tanggapin mo na wala na talaga kayo. Tanggapin mo na iniwan ka niya. Alam kong mahirap pero alam mo balang araw magpapasalamat ka sa ginawa niyang pag iwan sayo. Marami pang pagkakataon para mahanap ang totoong magmamahal sayo


GIVE YOURSELF A CHANCE TO LOVE SOMEONE ELSE : Eto ah, Hindi ko sinasabing maghanap ka ng rebound dyan sa kanto. Ang point ko dito. Ilaan mo yang oras mo sa ibang bagay. Kung may pumasok na ibang tao sa buhay mo. Open your heart. Pero wag na wag mo rin siyang lolokohin kasi nangyari rin sayo un. Ang karma paikot ikot lang yan.


These things are just my opinion. Tips lang yan :)


2 comments:

Anonymous said...

Ako lang ba nakakapansin ng mga blogs mo? :) Cool.

Unknown said...

Madami na din nakakabasa. 5k+ na pero hindi sila nagko-comment. Hahaha

Post a Comment