Minsan
tama na rin yung desisyon na kung nakikita niyo namang wala ng patutunguhan, itigil
nalang. Mas okay nang matapos yung relasyon na hindi niyo pa kinamumuhian ang
isa’t isa. Mas okay na matapos nalang kaysa naman unti unti ng nawawalan ng
pagpapahalaga. Hihintayin niyo pa bang dumating sa punto na mawalan kayo ng
respeto sa isa’t isa? Na parang ni minsan hindi kayo naging masaya magkasama?
Hihintayin niyo pa bang dumating sa punto na puro sakit at galit nalang?
Saturday, February 28, 2015
Minsan kahit mahal niyo pa ang isa’t isa, kailangang tapusin niyo na.
Monday, February 23, 2015
You can love someone, but it doesn’t mean they’re gonna love you back.
Pwede namang magmahal, pero hindi ibig sabihin nun ay mamahalin ka rin niya
pabalik. Yan ang totoo sa pag-ibig. Yan ang isa sa mga rules sa pagmamahal.
Hindi mo pwedeng pilitin ang isang taong mahalin ka. Hindi mo pwedeng pwersahin
ang isang tao para lang mapansin ka niya at mapaibig mo siya. Kaya kung ayaw
niya sa’yo, masakit man pero kailangan mo ng tigilan. Kung talagang pursigido
kang mapansin ka niya at matutunan ka niyang mahalin, mag-effort ka. Magkaiba
ang pagpupursige at pwepwersahin. Okay?
Pwedeng pwede naman talagang magmahal eh. Humanga sa mga tao, magustuhan ang
personalidad at katangian nila. Kailangan mo lang talagang matanggap na sa
pagmamahal, hindi porke’t mahal mo ang isang tao ay dapat mahal ka rin niya.
Maswerte ang mga taong mahal sila ng taong gusto nila. Pero nakakalungkot lang
dahil karamihan ng taong nagmamahal ay hindi sila mahal ng mahal nila.
Nasasaktan tayo, umiiyak tayo. Nagkakaroon pa ang iba ng pangako na hindi na
sila magmamahal muli. Nagmahal lang naman kayo at ang sakit ay laging
nakabuntot sa pagmamahal kaya hindi yan maiiwasan. Normal lang na masaktan sa
pagmamahal. Matakot ka kapag hindi ka nasasaktan.
Ang payo ko lang sa mga taong
nagmamahal pero hindi sila kayang mahalin pabalik:
“Tanggapin
mo kung ano talaga ang mangyayari. Mahal ka niya o hindi. Tanggapin mo.”
Sunday, February 22, 2015
Masakit Mabusted at Mahirap Maghintay
Ang mga lalaki, akala nila ang sasama naming mga babae kapag nabubusted sila. Pero hindi niyo alam kung gaano kahirap maging babae. Kasi kayo kapag may nagustuhan kayo, pwede niyong ligawan. Pwede kayong mabusted, oo masakit yun. Pwede kayong matorpe. Pero at the end of the day, may magagawa kayo para makamit yung taong inaasam niyo, kasi lalaki kayo.
Eh kaming mga babae? Wala kaming
magagawa kundi maghintay. Maghintay na mapansin ng taong gusto namin. Maghintay
na may manligaw. Maghintay sa mga bagay na walang kasiguraduhan. Kapag kami ang
gumawa ng first move, malandi agad ang tingin sa amin. Tapos minsan, dahil nga sa
wala kaming magawa, hinahayaan nalang namin na makita ang taong gusto namin na
may magustuhang iba. Nganga kami lagi. Para kaming nakaupo sa isang bus stop na
wala namang dumadaang bus pero araw-araw kaming pumupunta kasi umaasa kami na
may darating din. Ganun yung pakiramdam nun. Nakakatangina kaya!
Hindi ko sinasabing okay lang na
nabubusted ang mga lalaki. Pero sana marealize niyo na kung gaano kahirap
manligaw, mas mahirap maghintay. Tapos kung minsan, yung dumarating pa ay yung
hindi naman namin gusto. Hindi yun pagiging choosy. Akala niyo, kapag hindi
namin sinagot ang isang lalaki, choosy kami. Pero hindi. Tulad niyo, namimili
kayo ng liligawan. Pinipili niyo yung talagang gusto niyo. Kami din kasi ganun.
Hindi naman kasi pwede na kahit sino nalang. Ano yun? Desperada nalang?
“Mahahanap mo rin ang tunay na pag-ibig.”
- sadyang
ginawa yata yang kasabihan na yan para sa mga lalaki. Kasi kapag nabubusted,
nasasaktan, nagmomove on. Tapos, makakahanap ng magugustuhan, manliligaw ulit.
At magpapatuloy ang cycle hanggang sa tamang tao na yung mahanap niyo at
maligawan niyo.
“Darating din ang tunay na pag-ibig.”
- Eto naman
ang para sa mga babae. Yung walang humpay na paghihintay sa pag-ibig na
nararapat. Maghihintay hanggang sa tumama din ang panahon at pagkakataon. Wala
namang magagawa. Hindi naman pwedeng hanapin. Kaya hintayin nalang. Darating din
yan.
Friday, February 20, 2015
Magpahalaga at Makuntento
Nagpumilit kang pumasok sa buhay niya. Kahit ang dami mong insecurities sa sarili mo, tinanggap ka niya. Hindi man ikaw yung pinaka maganda o pinaka gwapo sa paningin niya, ikaw pa rin ang pinili niya. Madami man ang nagkakandarapa sakaniya, ikaw pa rin ang gusto niya. Mas pinili niyang lumayo sa iba, huwag ka lang masaktan. Madami man hadlang, pinilit niya pa rin ang sarili niya para ipaglaban ka. Tinupad niya ang hiling mo na huwag ka niyang iwan. Kahit awang-awa na siya sa sarili niya, pinilit niyang iparamdam sa’yo na mahal ka niya at kinakaya niya lahat kahit ang sakit sakit na. Kahit na dumating na yung pagkakataon na kinatatakutan niya, yung siya nalang ang lumalaban.
Minsan akala natin kulang na
kulang pa yung binibigay sa atin ng isang tao. Pero madami tayo hindi
napapansin. Madalas kasi naka-focus lang tayo sa sariling damdamin natin.
Madalas nakakalimutan na natin yung nararamdaman ng iba. Lalo na kapag may mga
tao na nakapaligid sa’yo na sinusulsulan ka na kesyo may iba na yan, pabaya
yan, walang kwenta yan.
Madalas akala natin sarili lang natin yung bigay ng bigay pero mas higit
pa pala yung ibinibigay ng isang tao sa atin. Sa huli, ang mahalaga lang naman,
marunong dapat tayong mag-isip, makaramdam ng tama at makuntento.
Bakit Ka Pa Bumalik?
Ano pa bang saysay ng pagbabalik mo kung sisirain mo lang din naman ang puso niya tulad ng mga pangakong sinira mo? Bakit mo pa kailangang bumalik kung hindi ka naman seryoso sakaniya?
Paano ka ba magmahal? May
choice? Kapag wala na yung taong minamahal mo, doon ka pupunta sa taong
nagmamahal sa’yo? Kawawa naman yung nagmamahal, isa lang siya sa pagpipilian at
parang latak nalang na kapag wala ng makakain ay siya na ang pagtitiyagaan.
Laruan ba hanap mo? Sa toy store ka maghanap at huwag ang damdamin ng tao ang
paglaruan mo.
Marupok kasi ang puso niyan kaya
madali mong nauuto. Lalo na at minahal ka. Naranasan mo na ba kasing magmahal?
Naranasan mo bang maging sunud-sunuran sakanila na parang aso na hindi
nabibigyan ng panahon? Nakakaawa noh? Kaso hindi mo ‘yon alam at wala kang alam
kundi paglaruan ang damdamin ng isang tao.
At akala mo ikinagwapo mo na ang
may humahabol-habol sa’yo at nagtiyatiyagang magmahal? Akala mo madali lang ang
lahat? Sabagay, hindi ako naaawa sa humahabol sa’yo kundi naaawa ako sa’yo.
Dahil sa hindi ka marunong magmahal. Naniniwala naman ako na darating ang araw,
ikaw naman ang iiyak. At sa panahon na ‘yon wala ka ng babalikan dahil ang
lahat ng taong pinaikot mo sa kamay mo ay matatauhan din. Hindi permanente ang
lahat. Kapag nakaramdam sila ng awa sa sarili nila, tiyak titigil din sila.
Kung hindi mo mahal ang isang
tao, hindi mo na siya dapat paasahin pa. Mas mabuti na iyong isang sakit nalang
kaysa naman sa pangmatagalang bakas ng sugat na iiwan mo kapag pinagpatuloy mo
pa ang ginagawa mo. Hindi mo kasalanang mahalin ka niya pero kasalanan mo kung
paaasahin mo pa siya lalo na kung hindi
mo naman talaga siya mahal.
Wednesday, February 18, 2015
Give Him/Her A Chance
Nasasaktan ako para sa mga taong nagmamahal pero hindi kayang masuklian yung binibigay nilang pagmamahal. Nasasaktan ako para sa mga taong pilit na pinapasaya ang iba kahit na ang kasiyahan din nila mismo ang nakasangla. Nasasaktan ako para sa mga taong nag-aalay ng kanilang luha sa taong hindi man lang napapansin na nasasaktan na sila. Oo, nasasaktan ako. Bakit? Kasi pakiramdam ko, kung sino pa ang mas maraming ibinigay, siya pa ang hindi pinili. Siya pa ang iniwang nag-iisa. Pakiramdam ko, kung sino pa ang mas karapat-dapat sila pa ang mas binabalewala.
Nakakapagtaka diba? Why are we
always doing wrong things to the right person? Dahil ba love is blind? Pero
hindi ako naniniwala na bulag ang pag-ibig.
Sabi nga sa
isang quote:
“Love is not blind because it sees but it
doesn’t mind.”
Hindi ka bulag. Hindi iyon ang
dahilan kung bakit hindi mo siya nakikita. Siguro, malabo lang talaga ang mata
mo, manhid ka lang talaga, tanga ka lang talaga o baka naman nagmadali ka.
Minsan kailangan mong bigyan ng
pagkakataon ang ibang tao. Meron kang binibigyan ng second, third, fourth and
hundred chances pero yung taong laging nandyan sa tabi mo kapag lumuluha’t
nasasaktan ka hindi mo man lang mabigyan ng first chance.
FIRST CHANCE. Unang pagkakataon
lang yan. Malay mo mas worth it siya kaysa dun sa taong akala mo ay MEANT TO BE
sa’yo. Malay mo sakaniya mo matagpuan ang HAPPINESS. Nagtake-risk ka nga dun sa
taong nanakit sayo eh. Bakit hindi mo subukang bigyan ng pansin ang taong
pinipilit na mapasaya ka?
Tumingin ka sa paligid mo. Be
sensitive. Huwag kang manhid. I-appreciate mo yung taong nagbibigay ng effort
niya just to make you smile. Give him/her a chance.
Subscribe to:
Posts (Atom)